Minsan ako'y nag-iisa wala akong ginagawa
Naisipan kong tumawag sa telepono
Ikaw ang nakausap ko tsambang number ang dial ko
Di ko inaasahan na sasagutin mo ako

Pangalan ko'y nalaman mo
Pangalan mo'y nalaman ko
Nagkausap tayo ng husto
Ako'y binola-bola mo
Binola-bola rin kita
Hanggang sa tayo'y magkakilala

At nang minsan, isang araw ako'y tumawag na muli
Ngunit hindi ikaw ang nakausap ko
Di ko nakuhang ngumiti pagkat ang tawag ko'y sawi
Bakit ako'y nasasaktan ng ganito

Ano ka ba sa buhay ko
Nasasabik ako sa 'yo
Na makita ang tunay na larawan mo
Kung ito'y pag-ibig na
Ang tangi kong hinihiling
Ay masilayan ka't makapiling

Chorus:
Damdamin ko'y ibang-iba sa 'yo, ka-phonepal
Tunay nga kayang ako'y nagmamahal
Bakit di mawalay sa isip ko ang tinig ng boses mo
Oh phonepal ko, sino ka sa buhay ko

Ano ka ba sa buhay ko
Nasasabik ako sa 'yo
Na makita ang tunay na larawan mo
Kung ito'y pag-ibig na
Ang tangi kong hinihiling
Ay masilayan ka't makapiling

(Repeat Chorus)

0 comments

Post a Comment