Hindi mo na kailangan pa ito`y sabihin pa
Na mayrong nagbago sa loob ng puso mo
Wala akong magagawa kundi palayain ka
Kaya pinilit kong wag aminin sa iyo

Kung alam mo lang kaya ang tunay na nadarama 
Nanaisin mo pa bang lumayo sa piling ko
At kung alam mo lang sana kailan ma'y di mawawala 
Ang pag-ibig ko sa 'yo laging nasa puso ko

Akala ko ay kaya na ngayong wala ka na 
Ngunit hindi pala limutin ka ay di magawa
Palagi kong tinatanong sa sarili ko ito
Ikaw ba ay lalayo kung lahat ay inamin ko?

Kung alam mo lang kaya ang tunay na nadarama 
Nanaisin mo pa bang lumayo sa piling ko
At kung alam mo lang sana kailan ma'y di mawawala 
Ang pag-ibig ko sa 'yo laging nasa puso ko

Pipilitin kong itago ang lahat nito
Ngunit patuloy kong tanong
Kailan kaya magwawakas oh ito

Kung alam mo lang kaya ang tunay na nadarama 
Nanaisin mo pa bang lumayo sa piling ko
At kung alam mo lang sana kailan ma'y di mawawala 
Ang pag-ibig ko sa 'yo lagi nasa puso ko

Kung alam mo lang kaya ang tunay na nadarama 
Nanaisin mo pa bang lumayo sa piling ko ooh


0 comments

Post a Comment