Bakit kaya mapagbiro ang tadhana?
Bakit kaya pagdating niyo ay sabay pa?
Pareho ko kayong gusto, isa lang aking puso
Di ko naman kayang pagsabayin kayo

Bakit kaya sa twing nag-iisa
Pareho ni’yong mukha ang nakikita?
Tinamaan nga kaya sa inyong dalawa?
Kaya ang puso ko ngayo’y sasabog na (sasabog na)

Chorus:
Ang puso ko’y nalilito, nalilito kung sino sa inyo
Ang isip ko’y gulong-gulo, gulong-gulo kung sino sa inyo
Sino ba sa inyo ang pipiliin ko?
Dalawa sana ang puso nang di na malito oh

Bakit kaya mahal ko kayong dalawa?
Kaya ang puso ko’y nahihirapan na
Ano ang aking gagawin, sino ang pipiliin?
Puso ko’y hatiin ni’yo nang wala ng iisipin

(Repeat Chorus 2x)

Ang puso ko’y nalilito
Nalilito kung sino sa inyo
Ang isip ko’y gulong-gulo
Gulong-gulo kung sino sa inyo



0 comments

Post a Comment