Mapapansin mo ba kaya ang tulad ko
Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata
Mahuli mo kaya ang pagsulyap sa’yo
Kahit na hindi naman ako ang iyong kaharap
Oh, chinito
Balang araw ay malalaman mo rin
Chorus:
At kung ikaw ay nakatawa ako pa ba ay nakikita
Nalilimutan ko ang itsura ko kapag kausap na ikaw
Sana naman ako’y pakinggan at nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
Oh chinito, chinito
Kung hindi inaantok kung hindi nasisilaw
Pwede bang malaman ko may pag-asa pa kayang matatanaw
Bakit ba ang pungay ng bintana ng iyong mundo
Isang ngiti mo lang sa akin ay baon ko hanggang sa pag-uwi
Oh chinito
Balang araw ay malalaman mo rin
Chorus:
At kung ikaw ay nakatawa ako pa ba ay nakikita
Nalilimutan ko ang itsura ko kapag kausap na ikaw
Sana naman ako’y pakinggan at nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
Oh chinito, chinito
Sana naman ako’y pakinggan at ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
Ah sige tawa lang ng tawa ako pa ba ay nakikita